?

Log in

No account? Create an account
 
 
05 May 2005 @ 12:53 pm
Patapos na ang Bakasyon at Malapit na mag Pasukan.  
Kaasar, ginising ako ng maaga kanina para mag-enroll. 8 pa lang, gising na ko. Sayang ang tatlong oras pa ng tulog. -_-

Hanggang May 10 na lang daw kase ang Enrollment Day kaya kelangan na daw ngayon. Oh well. (Nakapag-enroll na nga, wala namang books. 2nd week of May pa daw. Sayang nga, pati room number wala pa.)

Haaaay....

Sa antok ko nga, hindi na ako nakapaghilamos at nakapagsuklay ng buhok. (Whahah. Wala naman atang nakapansin, kaya ayus lang.) Aba'y hindi na nga rin ako naligo eh. Heheh. Tinatamad pa ako noh. (Pero nakapagsipilyo naman ako noh! Hahah, defensive....)

Naisip ko lang, kung 8:00 pa lang tinatamad na ako, pano pa kaya kapag may pasok na? 5:30 na naman ako gigising! Ayoko pa noh! Mahal na mahal ko ang tulog ko noh. At kawawa na naman ang gigising sa akin. (Naku! College na nga pala ang kuya ko kaya hindi na siya ang gigising sa akin! Pano na? Kelangan na ba mag-alarm clock? Hindi ako kaya ng alarm clock! Lagot na. Ibig sabihin ba nun, male-late na naman ako? Naku, huwag naman sana....)

New [School] Year's Resolution: Never Get Late Again.
Kaya ko yan! Basta't sipagin lang ako....Hahah. Good luck sa kin.

Syempre, miss ko na mga kaklase ko. Kaso ayoko pa mag-aral! Mas gusto kong mabulok dito sa bahay kaysa mag-aral. Oo, mirin. Isa akong dakilang batugan at ipinagmamalaki ko yun. Whahahah.

Oh well.

O sige na, mirin. Maliligo na ako. (Ang init! Grabeh!)

Ay, oo nga pala....

BTU: 99.4% YES! Malapit naaaaaaa!

Mood: sleepy....zZzz
Music: 97.1 WLSFM station songs
 
 
 
Bakang Batugankyoy on May 6th, 2005 01:16 am (UTC)
Re: moning
hmmm... na enroll na kaya ako? hmmm...

Okey lang kung hindi pah kase may sorta alam ko pedeng late. May sort of "penalty" daw or something. (Huh?)

do u really think that i'll believe that u'll never get late again?!

Libre mangarap. ^_^

so.. did u see my DA?

Yes! Ang ganda! Thankies so much! *glomps* I loved it! *drama mode*